nung una akong pumasok sa up, dpws din ako (short for degree with available slot) wag kang mag-alala sa kalagayan mo dahil magkakaroon ka naman ng course. bale dalawang beses kang mamimili, yung sa una online pa yun. payong kapatid wag mong tangkain na kuhain ang engineering slots at BAA kasi very limited lang. (mamaya ko sasabihin ang iba ko pang advice sau) sa second try naman, pag di ka pa rin nakapasok sa kinuha mong course, papupuntahin ka na nila sa OUR, office of the registar. dun magbibigay ng listahan ng pwede mo pang pagpilian. yun na yunbg mga tira tirang course, hehehehhe.
eto yung payo ko sau, kung gusto mo talaga ng course na napili mo nung una pero di nakapasok sa slot. pumili ka nalang ng course na madali at maipapasa mo kung sakali at makakuha ng mataas na GWA(that's general weighted average ng isang student after a semester). tapos magshift ka na lang sa college kung saan nandun yung course na gusto. o, di ba? medyo mahabang proseso ang pagshishift pero ayos lang. makakagraduate ka pa rin on time, saka wala namang dapat ipag-alala kasi nandyan naman ang MRR(maximum residence rule-yan ang tagal ng taon na ilalagi mo sa unibersidad, for a 4 year course-6years, pag 5 year course naman 7years) yan ay kung meron kang balak na tubuan ng uban sa unibersidad.
ok yan lang isa sa mga tips ko sau. at eto pa enjoy being a freshman kasi makapangyarihan pa kayo sa unang taon. lalo na sa enlistment of classes(yan ay kung mag-aaral ka sa diliman campus, well anyway di ko naman ang policy ng ibang UP campus, pero basta ganun)
yan lang at gudluk.enjoy the pressure and stress. hehehhehehe