Souseiseki
Wed Jul 02, 2008 1:22 pm
| QUOTE |
Patakaran: - Sundin ang temang "Yaoi" XD - Ang pwedeng gamiting lingwahe dito ay "Tagalog" lamang. Ang sinu mang lumabag sa patakaran na ito ay awtomatikong buburahin ang nilagay na post. - Lahat ng miyembro ng "Shounen_Shoujo" ay awtomatikong kasali na dito. - Marunong ka dapat sumangayon or maki-sunod sa takbo ng storya. Halimbawa: QUOTE Username:xhielle Isang araw at naglalakd si xhielle sa may tabing basurahan, hindi nya alam kung paano sya napadpad doon dahil ang pagkakaalam nya ay nasa planetang pluto sya kahit wala naman talaga at ang totoo ay nasa banyo sya at di nya namalayang napadpad sya ng biglaamn sa tabi nga ng nasabing basurahan. "EH? paano ba ako babalik nito..hindi ko alam ang daan papuntang banyo huhuhuhuh....". Nang biglang may narinig sya na kung anong tunog mula saan.
Next Poster Username: NurseKira "Oh xhielle, anong ginagawa mo dito s atabi ng basurahan? wag mong sabihin na dito ka nakatulog na namman?" tanong nito sa babae habang tinititigan nya ito at nagtataka kung bakit sya napadpad nga doon.
Next Poster Username: xhielle "eh? di ko din alam eh....."
Next Poster Username: the17thmoon "Oi! anong ginagawa nyo dito sa basurahan?
|
- Marunong dapat makibagay, ang kahit na anong nandito ay pawang katuwaan lamang, kung hindi kayo marunong makibagay ay mabuti pang umalis na kayo kaagad sa thread na ito.
- Pedeng magbago ang totoong kasarian nyo.
- Bawal maging Seme lahat.
- Bawal maging Uke lahat.
- Bawal mag paka-epal.
- Bawal mag paka-alien.
- at higit sa lahat, mahalin ang yaoi..XD
- Lahat posible na dito
| QUOTE |
| Kahit sino pwedeng magsimula na dito..X2, paalala lang Tagalog lang |
==================================
EDITED:
Binago ko na yung title...XD ang nagdagdag ng isang rule..XD
the17thmoon
Sat Jul 05, 2008 5:18 pm
yosh! sisimulan ko na nga ito!
+++
..Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata ngunit mabilis napapikit muli sa liwanag na bumati sa kanya..
Isa.. Dalawa.. Tatlo.. pabulong niyang pagbilang at muli iminulat niya ang kanyang mga mata, maingat na ibinabagay ang paningin sa liwanag..
Sa linya ng kanyang paningin ay ang bintana kung saan pilit na pumapasok ang sinag ng araw.. Iniangat niya ang kamay na para bang aabutin at hahawakan ang mainit na sinag ng araw..
Ngunit sa kanyang paggalaw ay nadampi ng kanyang braso ang isang mainit na bagay sa kanyang tabi.. init na maari lamang magmula sa tao..
Unti-unti niyang nilingon ang pinagmulan ng biglaang kaba na naramdaman niya at tumambad sa kanyang mata ang hubad na likuran ng isang tao..
+++
and sagwa ng tagalog kooooooo!
@ xhielle.. nasa tamang landas ba ang ginagawa ko?
::edit::
wehehe.. yan reader-friendly na ang kulay! ^^
Souseiseki
Sat Jul 05, 2008 5:34 pm
Tumayo ako mula sa pagkakahimlay ko mla sa masarap na pagkakatulog ko. Naisipan kong bumangon upang simulan ang bagong kabanata ng aking buhay para sa araw na ito "Haaaaaaaaaaaaaaaaaayyyy..ang sarap ng tulog ko, pero kelangan ko nang bumangon, magluluto pa ako ng almusal ko...." nang bigla akong may maala. "Gising na kaya si the17thmoon? mapuntahan ga sya mamaya..bibigyan ko sya ng almsal ko para may kasalo ako sa aking agahan" at yun nga, kumilos na ako pang magluto ng almusal.
=================================
@17th..
uu, pero yung kulay...x_X ag tingkad sa mata..XD okay lang kahit di na gumamit ng kolor kowding dito kasi tayo tayo naman mga karakters dito..XD
...x_X nagmukhang narrative story dating ng ginawa ko ah...XD
the17thmoon
Sat Jul 05, 2008 5:46 pm
..Napatalon palayo sa kama si riean. mukhang mahimbing na mahimbing ang pagtulog ng tao sapagkat hindi man lamang ito nagising sa pagkakaibo ng kama..
"S-sino..? B-bakit..?" ang hindi maintindihang tanong ni riean sa kanyang sarili..
Napatingin siya sa repleksyon sa salamin at laking gulat ng makitang siya ay.....!
may suot na malaking t-shirt na hindi pamilyar sa kanya.. =o.0=
+++
@ xhielle.. churi po! ayan, default color na ulit gamit ko.. ne, RIEAN nalang tawag mo sakin para mas maikli! lol
Suiseiseki
Sat Jul 05, 2008 6:21 pm
kakarating lang ni Ciel sa ibaba at nakita nya si riean nakasuot na malaking t-shirt
"huy..panlalake yan ah"
samantala si Ciel naman ay nakasuot na Printed T-shirt na NaruXsasu at Maong Na Mini-shorts
"riean gutom lang yan buti pa kya kumaen ka na"
the17thmoon
Sat Jul 05, 2008 6:47 pm
..Napatalon siyang muli ng pumasok si Ciel sa kuwarto.. Natigilan siyang saglit sa suot ni Ciel..
Sa halip na sagutin ang tanong ni ciel ay iba ang nasambit ni Riean..
"May scarcity din ba sa tela ngayon? hindi lang sa rice?"
Naalalang muli ang taong nakahiga sa kama..
"Hindi mo ba napapansin yaaaaan?" sabay turo sa taong nakahiga paharap sa direksyon ni Ciel..
Wala paring ideya si Riean kung sino ang tao at kung lalake ba ito o... babae.. o.0
Suiseiseki
Sat Jul 05, 2008 6:57 pm
Nagsalita si ciel
"Mainit kya i2 suot ko..bkit masama? alam ko sasabihin mo..kung lalake ako o babae
lagi naman ako napagkakamalan na babae eh..sanay na ako jan"
nagdagdag
"at isa pa...may panis na laway ka pa sa bibig"
the17thmoon
Sat Jul 05, 2008 8:12 pm
"Ha?!" Muling napatingin sa salamin si Riean.. at napatawa!! tinanggal niya ang dumikit na sinulid sa kanyang labi.
"Sinulid lang yun!" namumulang sabi nito. Naalalang muli ang naunang sinabi ni Ciel..
"Teka, teka, alam kong lalake ka!" mapapatingin muli sa maikling shorts na suot nito at mapaplunok..
At oo, magandang lalake ka.. ang muntik na niyang idagdag ngunit pinigilan ang sarili sa pagsabi nito..
"Pero ang gusto kong malaman.. Sino ba yang nakahiga sa kama kooooo?!"
Suiseiseki
Sat Jul 05, 2008 8:54 pm
Sumagot naman si ciel Sa tanung ni riean
"Hnd ko rin xa kilala..Bkit ba xa napadpad jan? siguro may tinataguan xa"
sinabi nya to habang naguunat...pero nagmumukha pa din xang babae kahit saan angulo
the17thmoon
Sat Jul 05, 2008 9:01 pm
..at hindi maintindihan ni riean kung san siya dapat mas lalong kabahan.. sa hindi kilalang taong natutulog sa kanyang kama o sa pag-uunat na ginagawa ni Ciel.."
Suiseiseki
Sat Jul 05, 2008 9:04 pm
Tpos Na Itong Magunat At tinanong Nya Rin Si Riean
"Bka Hnd Mo namalayan Na Ktbi Mo Na Pla xa Matulog...Oh Gnun"
Iniisip Nya Din Na Wala rin xang ktbi matulog..kht man lang ngaun...tulog babae pa din tlga si ciel..mxadong mahinhin pag natutulog
"Iwanan Muna Ntin yan tra baba na tau bgo pa lumamig un pagkaen"
the17thmoon
Sat Jul 05, 2008 9:17 pm
Hindi man lang nakuhang sumagot ni Riean sapagkat hinigit na siya ni Ciel palabas ng kuwarto..
Bago sumara ang pinto ay nasilip niya ang mukha ng taong natutulog sa kanyang kama..
S-siya?!
Sa gulat niya ay bigla itong napahinto at nahigit si Ciel. Saktong nasa bungad na sila ng hagdan. Nawala sa balanse si Ciel at nahulog sa hagdan. Hawak pa niya ang kamay ni Riean kaya't nahigit niya rin ito pababa.
Suiseiseki
Sat Jul 05, 2008 9:23 pm
Nlaglag nga sa hagdan si ciel..buti nalang hnd nasaktan si Riean Pero Nasa Hnd kanais-nais na position ang dalawa
"anu byan..arayy"
Nahimasmas Si Ciel At Nagulat Nlang Ito nasa hnd sila kanaisnais na position nagisipsip xa
"sa lhat lhat na pwedeng magyari..i2 pa!?"
the17thmoon
Sat Jul 05, 2008 9:42 pm
..isang saglit nakatayo si Riean, sumunod pawang lumilipad ang kanyang katawan.. at ngayon.. nakahandusay siya.. nakahandusay siya sa katawan ni Ciel.. Dali-dali niyang itinuon ang kamay sa sahig at lalong siyang nagmadaling tumayo ng makita ang reaksyon ni Ciel..
"Ah.. sorry Ciel.."
Suiseiseki
Sun Jul 06, 2008 6:59 am
Sumagot naman si ciel ng matino
"wala un..kung may nakakita sa atin na nakahandusay malamang magliliparan ng issue lalo na sa iyo..ayoko mangyari un"
Nagaus si ciel at may dinagdag pa
"bkit nga ka pla napahinto dun?"
Souseiseki
Sun Jul 06, 2008 9:44 am
Habang naglulutong kakainin ay may kung anong ingay syang narinig mula sa kabilang kwarto "ano ba yun? ke aga-aga ang iingay kaagad nila, mapuntahan nga.." at pinuntahan nga nito ang nasabing kwarto.
Pagkapunta sa kabilang kwarto ay kumatok ito
*katok*
*katok*
*katok*
"Riean!! Ciel!!! may problema ba dyan? may narinig kasi akong ingay dyan mula sa kwarto nyo?" tanong na pasigaw nito mula sa labas ng kwarto animong usiserang ewan..XD
Suiseiseki
Sun Jul 06, 2008 2:21 pm
Sumigaw Din Si Ciel
"Wala To! Nakatapak Lang Ng Ipis kya nagsisigaw kmi!"
napaisip ulit xa
"Anu bayan..pambatang excuse yun ah"
Nurse KIRA
Sun Jul 06, 2008 4:33 pm
"o,xhielle,bakit ka nakatayo dyan sa labas ng kwarto nila riean at ciel?"tanong nito kay xhielle.
"heto para sa iyo,bumili ako ng mainit at masarap na pandesal dyan sa panederya sa kanto."at iniabot nito kay xhielle ang isang plastik ng pandesal.
"Bibigyan ko din sana sina riean at ciel,gising na kaya yung dalawa?"
at kumatok sya sa pintuan..
*tok tok tok*
"riean, ciel,gising na ba kayo?heto may dala akong pandesal.buksan nyo yung pinto,andito kami sa labas si xhielle."
Suiseiseki
Sun Jul 06, 2008 5:27 pm
Sumigaw Ulit Si Ciel
'Sige Salamat! Tirhan Mo Nalang Kmi!"
Tapos Tumahimik ang kwarto
Souseiseki
Sun Jul 06, 2008 5:33 pm
"Salamat NK...." nginasab ang tinapay na parang wala nang bukas...
Suiseiseki
Sun Jul 06, 2008 5:35 pm
Binuksan Ni Ciel Ang Pinto..Medyo Nangarag Itsura nya..Dhil Napilitan Syang Mag Cross-dress
"Hay Nko Lagi Nalang ako pinageexperimentohan"
ngaun xa ay nakasuot ng Pang Maid Na Costume
"Sarap ng Kain Mo jan ah"
Sinabi ni Ciel Kay Xhielle
Nurse KIRA
Sun Jul 06, 2008 5:52 pm
"o,ano xhielle,masarap yung pandesal diba?magaling ang pagkakamasa ng panadero,kaya ubod yan ng sarap!"wika nito kay xhielle.
paglingon nya sa bumukas na pinto ay napatulala siya sa nakita nya..
"........."
agad niyang niyapos nang mahigpit at walang pag-aalinlangan ang taong animo'y naka-suot ng pang-maid.
"CIEL!!!lagi mo talaga akong pinasasaya araw-araw pag naikikita kita! kasing-init at kasing-sarap mo ang dinala kong tinapay para sa inyo ni riean!!"masiyang pagkakasabi nito kay ciel.
Suiseiseki
Sun Jul 06, 2008 6:02 pm
Nagulat nalang ito na bigla xang niyakap ng mhigpit ni NK
"Wai Aga Aga..Nilalambing mo na ako ah"
sabi ni Ciel Kay Nk Habang naka holding hands ito
Souseiseki
Sun Jul 06, 2008 6:08 pm
"Mga malalandiiiiii...ke aga aga eh.. makikipasok na nga pala ako sa kwarto nyo excuse me" at buong kapal ng mukha nga nitong pumasok sa kwarto.
Suiseiseki
Sun Jul 06, 2008 6:12 pm
Sumagot Uli Si Ciel
"Cge Lang Welcome Ka Dito sa kwarto namen! XD"
Twa Nito Ni Ciel Kay Xhielle
Nurse KIRA
Sun Jul 06, 2008 6:13 pm
bahagyang hinigpitan ang hawak sa kamay ni ciel..
"ang ganda mo kasi eh,lahat ng sinusuot mong kasoutan bumabagay sa iyo..patawarin,nabighani lang yung tao sa iyo.."wika niya kay Ciel habang malagkit ang pagkakatitig nito sa kanya.
Suiseiseki
Sun Jul 06, 2008 6:34 pm
Tumingin Si Ciel Kay NK
"Huy Hinay Ka lang..Hinuhubaran mo ako sa paningin ah"
wika nya habang Pumasok ito sa banyo para hubarin ang kanyang sinusot
Souseiseki
Sun Jul 06, 2008 7:19 pm
"Pwede ba..kung maglalampungan kayong dalawa dun kayo s apribadong lugar hindi dito kung saan maraming nakakabasa ng ginagawa nyo...." ani nito sa 2 "teka, may cake ba kayo dito?" nang bigla itong malalaa "AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH.....yung niluluto ko nga pala....sige mamaya na lang uli" sabay takbo nito paalais sa kanilang kwarto.
*ZZZZZZOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMM*
Nurse KIRA
Sun Jul 06, 2008 9:27 pm
"sige mamya na lang ulit xhielle,ipatikim mo sa amin mamya ang luto mo ha.."wika nya habang nagmamadaling umalis si xhielle.
lumapit sya sa tapat ng banyo,at kumatok sa pinto..*tok tok tok*
"ciel,ano bang ginagawa mo dyan sa loob ng palikuran,nagbibihis ka na naman ba ng panibagong kasuotan?"
the17thmoon
Sun Jul 06, 2008 11:22 pm
Tuluyan ng nakalimutan ni Ciel ang tanong dahil sa sunud-sunod na pagsulpot ni Xhielle at NK. Agad-agad na sinamantala ni Riean ang pagkakataon upang kumaripas pabalik sa kwarto. Pinagmasdan niyang muli ang taong natutulog sa kanyang kama.
H-harima? gulat nitong sambit.
Hindi na naghintay pa ng matagal si Riean at buogn lakas na binitbit si Harima at itinapon sa loob ng cabinet!
Muling kumaripas si Riean palabas ng kuwarto..
At nabungo si NK na nag-aabang sa labas ng palikuran.
Nurse KIRA
Sun Jul 06, 2008 11:47 pm
dahil sa lakas ng pagkakabunggo ni Riean kay NK,pareho silang napahiga sa sahig -- sa di kanais nais na posisyon...agad kumalas si NK sa di kanais-nais na posisyon at tumayo..
"o-oh,r-iean,bakit ata tila nakakita ka ng multo at nagkanda-gahol ka palabas ng iyong kwarto?"tanong nito kay Riean.
the17thmoon
Sun Jul 06, 2008 11:57 pm
"Ack!"
Sa pangalawang pagkakataon natagpuan ni Riean ang sariling nakahandusay.. Ngunit ngayon naman ay siya ang nadaganan ni NK.
"na naman?" bulong ni Riean sa sarili..
Agad-agad na tumayo si NK. Sinundan ni Riean ang ginawa ng kasama.
"Ah.. w-wala! wala!" sagot ni Riean sa tanong ni NK haang iniiwas nito ang tingin kay NK..
"Umm.. anong ginagawa mo dito? gagamit ka ba ng banyo? libre naman yung isang banyo.."
Nurse KIRA
Mon Jul 07, 2008 12:37 am
"ah,ano kamong ginagawa ko dito?nagdala ako ng pandesal,binili ko dyan sa kanto,tikman mo masarap yun,andun sa lamesa nilagay ko dun. ah,hindi ako gagamit ng banyo,bigla kasing pumasok si Ciel sa loob,ewan ko kung ano gingawa,nagpapalit na naman ata ng damit.."
Tila may napansin si NK sa mukha ni Riean.
"hmmm..nababanaag ko sa iyong mga mata ang pagka-balisa!!mukang may tinatago ka sa akin ah.."wika niya kay riean habang sinisipat-sipat ang mukha nito.
the17thmoon
Mon Jul 07, 2008 12:47 am
Pilit paring iniiwas ni Riean ang tingin kay NK..
Ano ba namang araw to.. bulong niya sa sarili.. ang aga-aga, tatlong beses na agad akong na-istrayk!
At tulad ng isang aktor sa entablado, minabuti nalang ni Riean na itago ang tunay na nararamdaman. Hinarap niya si NK at sinabing.. "Wala to. Wag mo akong pansinin."
Ngumiti siya.. Ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata..
"Ah.. si Ciel nagpapalit kamo? Ulit?" ang pag-iiba niya ng usapan.
Suiseiseki
Mon Jul 07, 2008 7:18 am
Lumabas ng palikuran si ciel..na suot ag dti nyang damit
ang t-shirt na NaruXSasu at Napakaikling Maong Na Shorts
"Bkit Ang ingay nyong dalawa?"
wika nya kay riean at NK
Souseiseki
Mon Jul 07, 2008 2:31 pm
Sa silid ni Xhielle kung saan inaayos nya ang nasunog nyang niluto "naman..bakit ba di ako makaluto ng maitnong pagkain..x_X" ani nito sa kanyang sarili habang inaayso ang mga kalan.
"Sayang naman kung itatapon ko lang ito...." ay may naisip nga itong di kanais-nais. Inayos nya ito at kumuha ng lalagyan. Iniligay nyo doon ang kanyang palpak na luto. "Kahit naman siguro ganito itsura nito maayos naman siguro lasa nito....di bale na..." at pagkatapos nga magayos ay pumnta sya pabalik sa kabilang silid upang bigyan sila ng palpak nyang luto.
*katok!*
*katok!*
*katok!*
*at katok pa uli!!*
"May tao pa dyan? ako uli ito si xhielle....." NK!!!! Ciel!!! Riean!!!"
Nurse KIRA
Mon Jul 07, 2008 4:48 pm
nabaling muli ang atensyon ni NK kay Ciel..hindi na nya inusisa pa ulit si Riean..
"........." tila natulala na naman si NK nang makita niya si Ciel..
"napaka-ganda talaga ng mala-coca cola mong katawan, bumagay na naman sa iyo ang suot mo ciel.." wika niya kay ciel habang pinagmamasdan nya ito mula ulo hanggang paa.
nang biglang kumatok si xhielle sa pintuan..
"o, andyan na si xhielle, baka dala na nya yung niluto nya.." wika nito kina ciel at riean habang papunta sya sa pinto para pagbuksan si xhielle.
at binuksan na nya ang pinto..
"o xhielle,ayus ba ang niluto mo?kainin na natin!" wika nito kay xhielle.
Suiseiseki
Mon Jul 07, 2008 5:20 pm
"sus Nambola Ka nanaman"
Wika Nito Ni Ciel kay NK
At Habang Nagbukas Ng Pinto Si Ciel Kay Xhielle
"Blis Mo Magluto Ah"
Souseiseki
Mon Jul 07, 2008 5:31 pm
"Syempre ako pa......tignan nyo " pinakita nito ang palpak nitong luto kila NK at Ciel...
Nurse KIRA
Mon Jul 07, 2008 5:43 pm
"parang may kakaiba sa luto mo xhielle..." wika niya kay xhielle habang sinisipat-sipat ang nilutong pagkain.
Suiseiseki
Mon Jul 07, 2008 5:45 pm
'Akin Na Nga Yan"
Sabay Kuha Si Ciel At Kinain Ang Palpak Na Pagkain Ni Xhielle
"mmm..Aus Lang Naman Ah..Walang Palpak..Itsura Lang Un Palpak"
Habang Kinakain..Medyo May Bahid Ng Pagkain Sa labi Ni Ciel At Nararamdaman nyang tinitignan sya ng malagkit Ni NK..at humarap si ciel
"oh?Bkit Gnyan Tingin mo?"
Souseiseki
Mon Jul 07, 2008 5:48 pm
"Oh! sabi na sau eh NK..walang problema...teka... anong ibig mong sabihin itsura lang ha...nangaaway kaba hah!!!" sakal nito kay ciel habang panandaliang pinuntol ang seryosong moment ng 2..XD
the17thmoon
Mon Jul 07, 2008 6:30 pm
Bagaman sinagip ni Ciel si Riean sa nagtatanong na mata ni NK nang ito ay lumabas mula sa banyo, balisa parin siya dahil sa sunud-sunod na pangyayari ng umagang yon..
Tanging pag-ngiti nalamang ang nagawa niya habang pinanunuod ang eksena sa pagitan ni NK at Ciel.
Iiwan na sana niya ang dalawa ng pumasok si Xhielle sa silid na dala ang kanyang niluto..
Binati niya si Xhielle ngunit tila hindi ito narinig ni Xhielle na abala sa kanyang nilutong pagkain..
Muli.. pinagmasdan niya and eksena sa kanyang harapan.. Kahit marami siyang iniisip at pasanin.. nalilimutan niya ang problema kapag kasama ang tatlo..
| QUOTE |
| "Oh! sabi na sau eh NK..walang problema...teka... anong ibig mong sabihin itsura lang ha...nangaaway kaba hah!!!" sakal nito kay ciel habang panandaliang pinuntol ang seryosong moment ng 2..XD |
Napatawa si Riean sa reaksyon ni Xhielle ngunit agad niyang nilapitan ito upang ilayo kay Ciel..
"Oh.. ang puso Xhielle.. Hinay-hinay lang.."
Souseiseki
Mon Jul 07, 2008 6:34 pm
"Wag mo akong pigilan riean.....sasakalin ko yang taong yan...grrrrrrrrr" buong panggagalaiti nito
Suiseiseki
Mon Jul 07, 2008 6:34 pm
Nabitwan Xa At Kumuha Ng Hangin..Sa Itsura Nyang Yan..Para Syang Nagblublush
"Anu Ba!Papatayin mo ba ako!?"
Wika Ni Ciel Kay Xhielle..Khit Magkapangalan Sila
the17thmoon
Mon Jul 07, 2008 6:37 pm
Kinabahan si Riean. Mukhang hindi na nagbibiro ang dalawa..
"Huy, ano ba.. magkakasakitan na kayo niyan.. Tama na nga yan.."
Souseiseki
Mon Jul 07, 2008 6:44 pm
"Oo..gusto kitang patayin...may angal ha..." at tmingin ito kay riean "di ako titigil hangga't di ko to napapatay....grrrrrrrrrrr"
the17thmoon
Mon Jul 07, 2008 7:23 pm
Hindi maintindihan ni Riean kung bakit ganun na lamang ang galit ni Xhielle..
"Xhielle, binibiro ka lang ni Ciel.. Ano ba.." ang sabi ni Riean sabay hawak sa baliakt ni Xhielle..
Tiningnan nito si Ciel na parang nagsusumamo sa isa na sangayunana ang sinabi niya..
Suiseiseki
Mon Jul 07, 2008 8:55 pm
Medyo Nwawalan Na Ng Malay..Hnd Na Ito Makahinga Hanggang Sa Nwalan Na Ito Ng malay
At Bumagsak Sa Sahig si Ciel
Nurse KIRA
Mon Jul 07, 2008 8:56 pm
"o hindeeeee!!Cieeeeeel!!!"
napasigaw si NK nang makitang nawalan ng malay at bumagsak sa sahig si Ciel.
the17thmoon
Mon Jul 07, 2008 9:02 pm
"Ciel!" sigaw ni Riean at dali-daling pinuntahan ang nakahandusay na katawn ni Ciel..
"NK.. ano bang nangyayari?" ninenerbyos niyang tanong..
Tininganan din niya si Xhielle..
"Ano bang nangyayari?"
Souseiseki
Mon Jul 07, 2008 9:21 pm
"Eh? bakit ako tinatanong nyo...x_X? Pinigilan mu nga akong patayin sya eh.." buong pagtataka nitong patanong kay Riean
the17thmoon
Mon Jul 07, 2008 9:33 pm
"Xhielle.. pasensiya ka na sa tanong ko.. nagulat lang ako, naguluhan, kinabahan.."
"NK? anong gagawin natin kay Ciel?" lumalabas ang pagka hysterical ni Riean sa kanyang boses..
Pinilit niyang kinalma ang sarili kung hindi ay baka mas mauna pa siyang matuluyan kesa kay Ciel..
Nurse KIRA
Mon Jul 07, 2008 9:39 pm
HIndi na nag-aksaya ng panahon si NK at agad niyang tiningnan ang kalagayan ni Ciel.
"C..C-Ciel, Ciel, ayos ka lang?" nanginginig na tanong nito sa walang malay na si Ciel.
tiningnan ni NK kung may senyales pa ng paghinga at pulso si Ciel..nilapit nya ang kanyag tenga sa labi ni Ciel para maramdaman nya kung humihinga pa ito..ngunit wla siyang maramdaman, ni hindi tumataas at bumababa ang dibdib ni Ciel, isang senyales na tuluyan na itong nawalang ng hininga..kasabay nito,napansin niyang may pulso pa si Ciel,kaya napagpasiyahan niyang bigyan niya ito ng pangunang lunas..
nilapat ni NK ang kanyang mga labi kay Ciel at sinimulan niya itong bigyan ng dalawang magkasunod na buga ng hangin..inobserbahan niya ulit si Ciel..
"Ciel, magpakatatag ka! hindi ka susuko,diba?" paiyak na sabi ni NK..
Souseiseki
Mon Jul 07, 2008 9:47 pm
"Masyado naman kayong nagaalala dyan..." pinuntahan nya kung saan banda and nakahandusay na si Ciel at ang 2 tarantang si NK at Riean. Tinitigan ni Xhielle si Ciel na animo kung anong bagay lamang sya sabay binigyan nya ng malakas na tadyak sa sikmura ang nakahandusay na si Ciel *BAG!!!* "HOY!!! Ciel gumising ka nga dyan" binuhat nya ito mula sa kanyang collar ng damit at yinugyog ito na parang isang manika lamang "HOOOYY!!!! GUMISING KA SABI DYAN!!!!" tuloy pa din sa pagyugyog nito.
Nurse KIRA
Mon Jul 07, 2008 10:05 pm
"o hindeeeeee!! baka nabalian ng buto si Ciel!!" buong pag-aalala ni NK habang pilit pinipigilan nito si xhielle sa pagyugyog kay Ciel ngunit hindi naman niya mapigilan spagkat sadyang malakas si xhielle..
"Riean!! tulungan mo ako! baka tuluyang mapatay ni xhielle si Ciel!" wika nito kay Riean.
Souseiseki
Mon Jul 07, 2008 10:07 pm
"HOY!!! GISING!!!!! GUMISING KA DYAN!!!!" tuloy pa din sa pagyugyog.
Nurse KIRA
Mon Jul 07, 2008 10:24 pm
"xhielle, tama na! wlang kalaban-laban yung tao!" at tuloy pa rin sa pagpigil si NK..hanggang sa..
*BLAAAAAGG!* tumilapon si NK sa sa sahig,tila bahagyang nawalan siya ng ulirat..
"ughhhnnnn.." sa kalagayan ni NK ngayon, hindi niya magawang iligtas si Ciel sa malupit na mga kamay ni xhielle.
Souseiseki
Thu Jul 08, 2008 8:51 am
*BLAAAAAGG!*
Natigilan ito panandilan "areh? may natamaan ba ako?...di bale na nga.." tinuloy pa din nya ang pagyugyog kay ciel upang ito'y magising na.
the17thmoon
Thu Jul 08, 2008 4:21 pm
Hindi makapaniwala si riean sa ginagawa ni xhielle.. Sa halip na tulungan ang nawalan ng malay na Ciel ay mukhang sinasaktan pa niya ito. At ngayon naman si NK ang nasaktan niya at nawalan ng malay..
"Xhielle, tama na yan.." kalmadong bigkas ni Riean. Bahagya itong nakatungo at hindi masipat ang mga mata..
"Tama na yan Xhielle.." ulit nito nang hindi tumigil si Xhielle sa kanyang ginawaga..
Maya-maya pa'y tumunghay si Riean at walang anu-ano'y inihagis ang sarili kay Xhielle at niyapos ito upang matigil sa ginagawang pananakit kay Ciel..
Suiseiseki
Thu Jul 08, 2008 4:26 pm
Wala Pa Rin Malay Si Ciel Pero May Dugong Tumutulo Sa Kanyang Mapulang Labi
Nurse KIRA
Thu Jul 08, 2008 4:34 pm
Walang anu-ano'y may kakaibang liwanag na bumalot sa buong katawan ni NK..
"AAAAAAAAHHHHHH!!!" umalingawngaw ang isang hiyaw na tila ba nanggagaling kay NK,isang hiyaw na wari'y galing sa isang dalaga..
Unti-unting nawala ang mahiwagang liwanag na bumalot kay NK,ngunit ang katawang tumambad sa harapan nila ay isang dalagang mala-dyosa ang hubog ng katawan..walang kaduda-duda,nag-palit anyo si NK! Ngunit parang wala ito sa sarili..tila ba may ibang katauhan na nagising sa kanya..
"Lapastangaaaan!! Isang libong kamatayan ang katumbas na parusa ng iyong kasamaan!!" wika niya kay xhielle habang itinaas niya ang kamay na tila ba may gagawin syang orasyon..
"Hangin, dinggin ang aking hiling, maging matibay na lubid at igapos ang lapastangang salarin!!! pasigaw na sambit ni NK..at biglang napahinto si xhielle sa pagyugyog kay ciel,napaupo siya sa sahig,mistulang ginapos ng kung anung bagay na hindi nakikita ng mga mata..
Souseiseki
Wed Jul 09, 2008 9:15 am
At dahil malakas nga si xhielle, nagpumiglas pa din ito at pilit na nagmakawala. Makalipas ang ilang signdo ay nakawala nga it, tmingin uto kay NK at animoy papatayinnya ito. Nag-super-saijin si xhielle at itinuro ang kanyang mga hintuturo kay NK "gusto mo ng laban..pwes papatulan kita".
the17thmoon
Wed Jul 09, 2008 10:30 am
Pilit na pinigilan ni Riean si Xhielle sa paggapos nito sa kanyang bisig ngunit sadyang malakas si Xhielle.. Nakawala parin ito sa pagkakagapos ni Riean.. Samantala napansin niya ang kung anong liwanag na nagmumula sa katawan ni NK.. Pag harap nito kay NK ay laking gulat niya ng makitang nag-iba ang anyo ni NK..
At nangyari na ang hindi inaasahan.. hinid na napigilan pa ni Riean ang kanyang matagal na niyang kinokontrol na reaksyon...
"A-ang liwanag.."
At umagos na nga ang dugo mula sa ilong ni Riean.
"A-ang liwanag.. A-ang ganda.."
Suiseiseki
Wed Jul 09, 2008 12:33 pm
Bumalik Ang malay Ni Ciel..Pero Halos Malabo Pa Din Ang Paningin Nito
"ungggh...Asan Ako?"
Nurse KIRA
Wed Jul 09, 2008 1:36 pm
Bago pa man makawala si xhielle sa pagkakagapos ay nilapitan ng misteryosang babae si Ciel..
"Kamahalan!!" wika nito kay Ciel..at tila nagsambit na naman ito ng orasyon..
"Makapangyarihang liwanag mula sa kalangitan, paghilumin mo ang mga sugat ng aking Kamahalan!" sambit ng misteryosang babae,at binalot na ng liwanag ang katawan ni Ciel..
"Kamahalan, ligtas ka na sa tiyak na kapahamakan.." wika niya kay Ciel,na tila ba prinsipe ang turing nito sa kanya..
Walang anu-ano'y tuluyan nang nakawala si xhielle sa pagkakagapos at nagsuper-saijin ito at hinamon ng laban ang misteryosang katauhang nabuhay kay NK..
"Magaling, tinatanggap ko ang iyong hamon!!!" pasigaw na bigkas nito kay xhielle.
Souseiseki
Wed Jul 09, 2008 2:20 pm
At sumugod nga si Xhielle kay NK dahil nga tinanggap nito ang kanyang hamon. "HUMANDA KAAAAAAAAAAAAA!!!!!!"
*ipon kapangyarihan sa kamay*
"TIKMAN MO TO!!!!!"
"HADUKEEEEEENNN!!!!!" at nagpalabas nga ito ng malakas na pwersa.
Nurse KIRA
Wed Jul 09, 2008 2:46 pm
Kinumpas niya ang kanyang kamay.. "Kalasag ni Armea!!" ..tumalbog lamang ang pwersang dapa't sanay tatama kay NK..
"Tapos ka na? ako naman!"
"Tubig, umulan ka sa anyo ng matatalim na punyal!!!" at mula sa kawalan,libu-libong matatalim na punyal ang mabilis na papunta sa direksyon ni xhielle.
the17thmoon
Wed Jul 09, 2008 3:27 pm
Lindol.. Pakiramdam ni Riean ay lumilindol dahil sa lakas ng yanig na nararamdaman niya habang nakahilata sa sahig..
Agad-agad niyang iminulat ang mga mata at tumambad sa kanyang panigin ang dalawang karakter na hindi niya makilala..
Ngunit unti-unting bumalik ang kanyang alaala at nakilala niyang muli ang ibang katauhan ni NK at Xhielle..
Ang dalawa ay kasalukuyang nagpapalitan ng kapangyarihan.. at si Ciel.. si Ciel ay wala paring malay at nakahandusay sa pagitan ni NK at Xhielle..
Sa hindi maipaliwanag na dahilan.. Nadagdagan ang lakas ng loob ni Riean at may kung anog itim na aura ang bumalot sa ktawan nito.. Humaba lalao ang kanyang buhok at lumabas sa kung saan ang isang mahabang "death scythe" na agad niyang hinawakan at ikinumpas..
Lumipad siya sa pagitan ni NK at Xhielle at nagpalabas ng itim na kapangyarihan upang paghiwalayin ang dalawa..
Nurse KIRA
Wed Jul 09, 2008 3:53 pm
Agad naka-iwas si NK sa itim na enerhiyang pinakawalan ni Riean..
"i..I-Ikaw? Hindi ito maari!! P-Paano nangyaring~" Buong pagtataka niya,na tila ba matagal na nitong kakilala ang bagong katauhang nabuhay sa katawan ni Riean..
the17thmoon
Wed Jul 09, 2008 4:07 pm
Pagkasabi na pagkasabi ni NK ng mga salitang iyon, may kung anong imahe ang nakita ni Riean sa kanyang isip.. Tila isang pangyayari mula sa nakaraan.. Ngunit hindi ito matukoy ng mabuti ni Riean..
Hinarap niya si NK at nagsalita.. Ngunit ang boses na lumabas sa kanyang bibig ay hindi sa kanya..
"Kamusta.."
Ang boses ay malalim na boses ng lalaki..
At ang katauhang humarap kay NK ay hindi na kay Riean kungdi ng isang matipunong lalake.. nakasaplot ng itim na kasuotan.. at nababalot ng itim na awra..
Nurse KIRA
Wed Jul 09, 2008 9:57 pm
"Hindi ko inaasahan na muling magkukrus ang ating landas..ilampung libong taon na rin ang nakalipas mula nang tayo'y huling nagkita.." wika ng bagong katauhan ni NK ,habang hinawi niya ang kanyang mahabang pinong buhok na kulay mais..
"Iisa lang ang ibig sabihin nito, napili na ang ika-isang libong Hari na uupo sa trono ng Kaharian ng Illustra,at kakailanganin niya ang ating gabay at proteksiyon.." at itinuro niya ang kanyang mga daliri sa direksiyon ni Ciel..
"Pagmasdan mo ang ating Kamahalan, hindi maipagkakailang siya nga ang napiling maging sisidlan ng ating Haring Io.." pangiting wika niya habang pinagmamasdan si Ciel..
Suiseiseki
Thu Jul 10, 2008 11:38 am
Lumaki Nalang Mata Ni Ciel Sa Narinig Nya
"Huh!?Anu Ba Pinagsasabi Mo?Naguguluhan Na Tlga Ako ah"
the17thmoon
Thu Jul 10, 2008 2:23 pm
Ni hindi man lang tiningnan ni Rimidalv, ang bagong katauhan ni Riean ang "haring" tinutukoy ni NK.
Unti-unting tumaas ang sulok ng labi ni Rimidalv sa isang sarkastikong ngiti habang ang mga mata nito'y patyloy na inuusig si NK..
"Isa lang ang haring kinikilala ko at alam mo iyon.. Si Haring Io lang, wala ng iba."
Sa isang iglap ay nakatayo na sa likuran ni NK si Rimidalv, ang labi niya ay ilang dipa mula sa tenga ni NK..
"Nakaklimutan mo na ba?"
Souseiseki
Thu Jul 10, 2008 2:30 pm
At kung anung nangyari ngang kababalagahn kay Riean ay huminti n adin si Xhielle sa pagwawala at bu,alik na ito sa date nitong anyo. Umpo ito sa may sofa na tila kanya ang tahanang ito at nagsalita ito "pag tapos na kayo magusap dyan tawagin nyo lang ako..makikinood lang ako ".
====================
siga ng character ko..XD
Nurse KIRA
Thu Jul 10, 2008 4:03 pm
Pagkarining niya sa mga salitang binitawan ni Rimidalv, halu-halong mga larawan mula sa nakaraan -- matatamis at mapapait, ang sumagi sa isipan ni Nariah, and bagong katauhan ni NK..
"Hindi, hindi yan totoo! ang Haring iyong kinikilala ay matagal nang sumakabilang buhay!"
Humarap siya at niyapos nang mahigpit si Rimidalv..
"Bakit?..Bakit hindi mo magawang iwanan ang nakaraan?!" wika niya kay Rimidalv, at tumulo ang luha mula sa mga mata ni Nariah..
the17thmoon
Thu Jul 10, 2008 4:18 pm
Sa sulok ng kanyang mata, nakinita niya ang isa pang karakter na walang anu-ano'y naupo na para bang walang pakialam sa kanyang mundo..
| QUOTE |
| "pag tapos na kayo magusap dyan tawagin nyo lang ako..makikinood lang ako ". |
Nais sana niya itong turuan ng leksyon ngunit natigilan siya ng naramdaman ang mainit na katawan ni Nariah na nakagapos sa kanya..
At mas naramdman niya higit sa narinig o nasaksihan ang luhang tumulo sa mga mata ni Nariah.
"Nariah.." ang bulong ni Rimidalv..
Nais ni rimidalv na yakapin ang diyosa na tumatangis ngunit kailanman ay hindi niya hahayaang manghina ang kanyang loob at puso.. Kaya di man sangayon sa kanyang kalooban, piniglas niya ang mga braso ni Nariah mula sa kanyang leeg at inilayo ang diyosa sa kanyang katawan.
Suiseiseki
Thu Jul 10, 2008 4:19 pm
Naasar Na Ito At Nagsalita Si Ciel
"Pwde Ba!? Mag Paliwanag Kaung Dalawa!Anu ba ang Pinagsasabi nyo at wala kayo sa sarili nyo!"
Nagpintigs Ang Kulay Rosas Na Mata Ni Ciel
"At Hindi Ko Kayo Maintindhihan"
Souseiseki
Thu Jul 10, 2008 4:48 pm
Tuloy pa din sa pagkain ang walang pakialam na si Xhielle
*nguya! ngaya!*
"Ang iingay naman ng mga tao dito..x_X"
the17thmoon
Thu Jul 10, 2008 5:41 pm
Bagaman inilayo ni Rimidalv si Nariah sa kanyang katawan ay patuloy parin niya itong hawak-hawak sa braso. Nang hindi iniaalis ang kanyang paningin sa mukha ni Nariah, iginalaw niya ang kanyang kanang kamay at itinuro sa direksyon ni Xhielle.. Unti-unitng lumutang si xhielle sa kanyang pagkakaupo at walang anu-ano'y tumilapon sa sulok.
Pagkatapos ay itinuro naman ni rimidalv ang kanyang kamay kay Ciel at sa isang iglap, tangan tangan na ni Rimidalv si Ciel sa leeg, ang mga paa nito ay nakasuspinde sa ere.
"Ito ba, ito ba ang sinasabi mong Hari?" Tanong ni Rimidalv kay Nariah, habang parehong humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Nariah at sa leeg ni Ciel..
Nurse KIRA
Thu Jul 10, 2008 5:51 pm
At dahil sa malamig na pakikitungo at paggamit ng dahas ni Rimidalv kay Nariah, nagpatuloy siya sa pagtangis...
"Singtigas pa rin ng ugat ng mulawin ang iyong damdamin..*hikbi*..simula nang araw na iyon tuluyan ka nang nagbago..hindi mo dapat pasanin mag-isa ang mundo.."
Lumapit pa lalo kay Rimidalv si Nariah at hinaplos niya ang pisngi nito..
"D-Dahil..n-nan...ughnnnnn.." nawalan ng malay at bumagsak sa mga bisig ni Rimidalv si Nariah..binalot siya muli ng liwanag, bumalik sa dating anyo si NK..
Suiseiseki
Thu Jul 10, 2008 5:58 pm
Nararamdaman Nyang Humihigpit Ang Pagsakal Sa kanya..Nwawalan Ito Ng Hangin..Hnd Nya Rin Kyang Saktan Ito..Dhil Alam Ni Ciel Ang lalaking Sumasakal Sa Knya Nagsalita Si Ciel
"Arrgh...Cge Ako Nlang Paslangin mo..Aarghh..Pakawalan Mo Lang Katawan Ni Riean..Dhil Wala Sa Kinalaman Dito..."
the17thmoon
Thu Jul 10, 2008 6:01 pm
"N-Na.."
Hindi na naituloy pa ni Rimidalv ang sasabihin.. Nanlabo ang paningin nito, unti-unting nawala ang itim na awra na bumabalot sa kanyang katawan.. Umikli ang dating mahabang niyang buhok, at ang matipunong katawan niyang lalake ay naging hubog ng katawan ng isang babae..
Bumagsak si Riean sa sahig at nawalan ng malay..
Souseiseki
Thu Jul 10, 2008 6:05 pm
"Aray ko...masakit yung pagkakabato sakin ah..x_X" Tumayo ito at tinignan ang 3, nakita na lamang nyang nakablgta ang 2 na si NK at Riean. "Anong nangyari sa 2 yan..?"
Suiseiseki
Thu Jul 10, 2008 6:11 pm
Sumagot Si Ciel Habang Kukaripas Hininga
"Aba Malay Ko..Sinakal Nalang Ako Knina eh"
Sagot nito
Souseiseki
Thu Jul 10, 2008 6:20 pm
Pinuntahan nya ang dalawang walang malay sa harap ni Ciel. Tinignan nya ang mga ito na wari kung anung nilalang sila "anong problema ng 2 to..x_X? may hari at prinsesa pa silang nalalaman".
Binuhat ni Ciel si Riean at nilagay sa may sofa ganun din si NK "pagpahingahin na muna natin yung 2, mukhang pagod na pagod. Saka nalng natin sila tanungin pagkagising nila".
Nurse KIRA
Fri Jul 11, 2008 12:22 am
Mula nang ihiga sa sofa sina Riean at NK ay hindi pa rin sila nagkakaroon ng malay..tila ba nahimbng sila sa malalim na pagkakatulog..walang anu-ano'y may ungol na umalingawngaw..
"ughhnnnn...ughhh.." nananaginip si NK..
*sa panaginip ni NK*"Nasaan ako?" Naglalakad si NK sa isang madilim na lugar,nang biglang may kung anong liwanag na sumilaw sa kanya..tumambad sa kanyang harapan ang isang Diyosang may mahaba at pinong buhok na kulay mais,si Nariah!
"S-Sino ka?!wag kang lalapit! Tanong ni NK kay Nariah,na hindi alam kung matatakot o matutuwa sa nakita..
"Nariah ang aking ngalan..ikinagagalak kitang makilala,NK.." wika ni Nariah kay NK..
"P-Papaano mo nalaman ang aking ngalan?" buong pagtataka ni NK..
"Nasa sinapupunan ka pa lang ng iyong ina ay kilala na kita NK,dahil IKAW AT AKO AY IISA.." sagot ni Nariah..
"HAAAAAA?!"

Nagulantang si NK sa kanyang narinig..
Suiseiseki
Fri Jul 11, 2008 7:30 am
Hiniga Ni Ciel Si Riean At NK Sa Kanyang Hita At Hihimas Ang Parehong Pisngi nito
"Parang Bata Kung Matulog Ang Dalawa"
Magdamag nitong binantayan ang dalawa
the17thmoon
Sun Jul 20, 2008 7:54 pm
Ang unang naramdaman ni Riean ay ang matinding sakit na bumabalot sa kanyang katawan.. Tapos ay ang mainit na kamay na humahaplos sa kanyang pisngi..
Malinaw ang kanyang alaala sa nangyari.. ang pagsanib ng katauhan ni Rimidalv na kanyang ninuno at paggamit nito sa kanyang katawan.. Naaalala na niya ang nakaraan at hindi pa niya alam kung anong nais niyang gawin na susunod na hakbang..
Muli ay napaling ang kanyang aensyon sa mainit na haplos sa kanyang pisngi.. Pag mulat ng kanyang mata ay nakita niya si Ciel na nakatitig sa kanyang mukha..
At gaya ng kanyang reaksyon sa tuwing makokompronta sa ganyang sitwasyon.. namula ang kanyang mukha at sumabog ang dugo mula sa kanyang ilong..
araa~
+ + +
waaaah! buhay nating muli ang ating mutning rpg!
Nurse KIRA
Sun Jul 20, 2008 10:52 pm
At patuloy pa ring nananaginip si NK..(ngunit hindi ito isang simpleng panaginip..ito ang paghaharap nila ni Nariah,ang katauhang sumanib sa kanyang katawan..)
"Hindi ito maari!!! ikaw at ako ay iisa?!" gulong gulo ang isipan ni NK..
"Nagmula ka sa angkan ng mga Puting Babaylan,at ikaw ang napiling sisidlan ng aking kapangyarihan.." wika ni Nariah kay NK..
"P-Puting Babaylan?? sisidlan? hindi ko maintindihan!" nababanaag sa mukha ni NK ang pagkalito..
"Malalaman mo rin ang katotohanan pagdating ng tamang panahon..Tawagin mo ako sa oras ng pangangailangan..Nariah ang aking ngalan.." at bigla na lamang naglahong parang bula si Nariah..
naputol ang panaginip at biglang napasigaw si NK..
"HINDEEEEEEEEEEEE" sabay bangon niya mula sa pagkakahiga,humahangos,pawisan at balisa...
Suiseiseki
Mon Jul 21, 2008 9:24 am
Hinawakan Nito Ang Kamay Ni NK
"Panaginip Lang yan"
Tpos Tinangal Ni Ciel Ang Kamay Nya Sa Pisngi Ni Riean At Nagsalita Si Ciel
"Nkatulog Kayong Dalawa sa Hita Ko..Magdamag Ko Kayo Binantayan..Anu Ba Nangyayari Sa Inyo?"
Tanong Nito
the17thmoon
Sun Aug 03, 2008 12:58 am
Natauhang muli si Riean ng marinig ang hiyaw ni NK.. nilingon niya si NK at lalong nanariwa ang mga pangyayari sa kanyang isip..
Narinig niya ang tanong ni Ciel..
| QUOTE |
| Anu Ba Nangyayari Sa Inyo? |
Dahan-dahan siyang bumangon sa pagkakahiga at hinarap ang dalawa.. Ngayon silang tatlo ay magkakaharap na nakaupo sa sahig..
Huminga si Riean ng malalim bago nagsalita..
"Kanina, nabuhay muli si Rimidalv sa aking katauhan. Si Rimidalv ay ninuno ko. Siya ang punong kawal sa panahon ng paghahari ni Haring Io sa kaharian ng Illustra."
Tiningnan niya si NK na para bang inuudyok at hinahamon.. Nang tumingin siyang muli kay Ciel, nakita niyang wala parin itong naiintindihan sa mga pangyayari.. wala parin itong naaalala.. kaya nilaksan niya ang loob at nagbaka sakali na sa susunod niyang gagawin ay may maalala rin si Ciel tulad ng pag-alala nila ni NK.. walang anu-ano'y hinigit ni Riean ang mukha ni Ciel papalapit sa kanyang mukha.. at..
at..
Nurse KIRA
Mon Aug 04, 2008 12:16 am
Hinawakan ni NK ang kamay ni Ciel ng mahigpit..
"Hindi ito isang panaginip..nananariwa pa sa aking alaala ang mga pangyayari,kitang kita ko si Nariah.."
Sabay pikit at lunok ni NK..
"Kanina,sa unang pagkakataon ay nabuhay sa aking katawan ang katauhan ni Nariah,ang aking ninuno mula sa angkan ng mga Puting Babaylan.."
Napatingin si NK kay Riean na kanina pa nakatitig sa kanya..umiwas siya ng tingin kay Riean..
"Bakit?! Bakit kinakailangang mangyari ito?! Naguguluhan ako sa mga pangyayari.."
Napaluha si NK..
Walang anu-ano'y nagulat si NK dahil naglalapit ang mukha nila Riean at Ciel..
"??????!!"
Suiseiseki
Mon Aug 04, 2008 8:25 am
Nagulat Nalang Ito Si Ciel At Waring Magawa Sa Ginwa Ni Riean Ito Ay Nagmumukhang Inosente Sa Ginwa Ni Riean
Naglalaro Sa Isip Nya
"Anu Ba Ito..Hindi Ko Naiintindihan Ang Dalawang Ito..Knina Para Sila Aso At Pusa..Naalala Ko Pa Na Sinakal Ako Ng Katauhan Ni Riean..At Pinagtanggol Naman Ako Ng Katauhan Ni NK..Anu Ba Tlga..Bkit Ba ako Nasama Dito..."
Nurse KIRA
Mon Aug 04, 2008 11:57 pm
Nananatiling magulo ang isipan ni NK sa mga nangyayari..balisa at pawisan,panandaliang pumikit si NK..sa kanyang isipan:
"Nariah tulungan mo ako,tulungan mo akong malaman ang nangyari sa nakaraan nang sa gayon ay maibsan ang nahihirapan kong kalooban..pakiusap.." wika ng nagmamakaawang si NK..
"Naiintindihan ko,sa mga susunod na segundo ay ipapakita ko sa iyo ang nakaraan.." wika ng boses ni Nariah sa isipan ni NK..
Walang anuano'y nakita na ni NK ang nakaraan..mga alaala mula sa Kaharian ng Illustra,sina Nariah, Rimidalv at Haring Io..masasaya't mapapait na alaala...
"Salamat Nariah..ngayon ay naiintindihan ko na.." wika ni NK na tila ba gumaan ang pakiramdam sa nakita..
Muling iminulat ni NK ang kanyang mga mata..nababanaag sa kanyang mukha ang pagkapayapa ng kanyang kalooban..Agad niyang niyapos sina Riean at Ciel:
"Riean...Ciel..." lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa dalawa..napangiti..at mula sa kanyang mga mata ay tumulo ang luha..
Souseiseki
Thu Aug 07, 2008 4:20 pm
Nang makitang nagising na ang 2 natutulog na si NK at Riean tumayo ito sa mula sa kinauupuan nya sa tapat ng sofa. Tinignan nya ang tatlo "..x_X medyo OP ata ako sa tatlong ito, di ko nasila maintindihan..."